Ang Collection Fee sa BBSAMAMUCO ay gumagana bilang isang Deposit-Refund System o Deposito!
Ano ang layunin nito?
Layunin nitong tiyakin na ang ating mga MIGS (Members in Good Standing) ay nakakapagbayad nang maayos at nasusunod ang kanilang amortization schedule.
Ang magandang balita:
Kapag kumpleto at pumasok sa tamang oras (on-time) ang inyong pagbabayad hanggang sa matapos ang loan, ang buong collection fee ay o-awtomatikong i-de-deposit pabalik sa inyong Savings Account!
Isa itong magandang insentibo at ganti para sa ating magagaling at tapat na payor. Kaya siguraduhing maging on-time sa pagbabayad—dahil sa savings mo rin ang balik nito!
Alam mo na!
Ang Group Life Insurance ay protection para sa member at sa kanyang immediate family. Kapag nawala ang insured member, ang kanyang designated beneficiary spouse, anak, o parents, ang maaaring makatanggap ng death benefit.
Maaari ring magkaroon ng benefit kapag nawala ang covered spouse, anak, o parent, subject sa terms and conditions ng insurance.
Para sa mga account na walang sapat na pondo, ang kinakailangang halaga ay automatic ibabawas mula sa inyong savings account.
Kung walang sapat na laman ang inyong savings account, maaari pong magbayad nang direkta sa opisina sa mga sumusunod na halaga:
• ₱300 para sa edad 18–64
• ₱1,000 para sa edad 65–80
Alam mo na!
May Loan Insurance ang BBSAMAMUCO!
Alam mo ba? Ang bawat insured loan ay may proteksiyon para sa iyong pamilya.
Kung sakaling pumanaw ang isang miyembro habang aktibo pa ang kanyang loan at sakop pa ng loan insurance term, ang 1 Cooperative Insurance System of the Philippines Life & General Insurance o 1CISP ang magbabayad ng natitirang balanse ng kanyang loan sa kooperatiba—hindi na ito ipapasa sa kanyang mga naiwang mahal sa buhay.
> Proteksiyon para sa miyembro
> Kapayapaan ng isip para sa pamilya
> Dagdag na seguridad sa bawat pautang
Paalala: Ang coverage ng loan insurance ay nakabatay sa loan term at sa mga patakaran at kondisyon ng insurance provider.
BBSAMAMUCO – Kaagapay sa bawat yugto ng buhay.
Alam mo na!
Kamay-ari ka nga pero "alam mo ba" kung ano ang kooperatiba?
Madalas nating marinig ang salitang ito, pero ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng isang coop?
Ayon sa opisyal na kahulugan nito:
Ang kooperatiba ay isang nagsasariling samahan ng mga taong kusang-loob na nagkakaisa upang matugunan ang kanilang pangkalahatang pangangailangan at hangarin sa larangan ng ekonomiya, lipunan, at kultura—sa pamamagitan ng isang negosyong sama-samang pagmamay-ari at pinamamahalaan sa demokratikong paraan.
Anu-ano ang mga katangian ng isang Kooperatiba?
Nagsasarili at Kusang-loob: Walang pilitan. Ang bawat kasapi ay bukal sa loob na sumasali upang makatulong at matulungan.
Sama-samang Pagmamay-ari: Hindi lang iisa o iilang tao ang may-ari ng negosyo. Bilang kasapi, isa ka sa mga tunay na nagmamay-ari nito!
Demokratikong Pamamahala: Pantay-pantay ang boses ng bawat isa. Ang bawat miyembro ay may karapatang makibahagi sa mga desisyon para sa ikabubuti ng lahat.
Pangkalahatang Pag-unlad: Hindi lang pangkabuhayan o pinansyal ang layunin, kundi pati na rin ang pag-angat ng antas ng pamumuhay sa lipunan at kultura.
Sa madaling sabi, kamay-ari tayo kasi gusto natin na sabay-sabay umunlad at kumita ng malaki! Sarili mo ang boss mo!
Alam mo na!
Have you updated your share capital?
Kung nagdadalawang-isip ka, baka may mahalagang dahilan kung bakit dapat mo na itong i-check!
Dapat UPDATED ang share capital natin! Bakit? Kapag updated ka…
> Qualified kang maka-attend ng General Assembly
> Masusulit mo ang mga benepisyo bilang member
> Ma-qualify ka bilang MIGS
> At higit sa lahat… may DIVIDENDS and PATRONAGE REFUND kang matatanggap after the General Assembly
Huwag magpahuli—siguraduhing updated ka para walang ma-miss na benepisyo!
Ang AGA ang pinaka-importanteng gathering ng coop sa buong taon. Dito nire-report ang performance, income, at plans ng kooperatiba. Bilang “Kamay-ari,” may boses ka—pwede kang magtanong, magbigay ng suggestions, at bumoto para sa mga officers na mamamahala.
Dito mo rin malalaman ang share mo sa kinita ng coop. Yes! Lahat ng kita ng coop ay pinaghahatian nating mga Kamay-ari.
Ano naman ang benefits kapag umattend ka ng AGA?
Updated ka sa lahat ng nangyari, mga susunod na activities, at mga bagong products and services ng coop
May chance kang manalo sa raffle ng appliances at iba pang exciting prizes
Makakatanggap ka ng exclusive event t-shirt bilang proud Kamay-ari
Makakapag-bonding at makakapag-socialize ka with fellow members
Makikilala mo ang ibang Kamay-ari at mas mapapalawak ang network mo
Ang AGA ay hindi lang meeting—ito ay celebration ng ating pagkakaisa at tagumpay bilang isang komunidad.
Kaya tara, Kamay-ari! Be present, be informed, and be involved. Be a proud Kamay-ari!
Kamay-ari, alam mo ba? May sarili tayong Marketplace!
Kung ikaw ay may negosyo o naghahanap ng murang bilihin online — dito ka na!
Secure na transaksyon
Presyong abot-kaya (bagsak presyo!)
Suporta sa sariling koop at kapwa miyembro
Mas maganda pa—pwede ring sumali kahit hindi pa member, kaya mas maraming makakakita at tatangkilik sa mga produkto natin!
Shopping? Benta? Ano? Tara!
Tangkilikin ang sariling atin. Palaguin ang negosyo ng bawat Kamay-ari!
Click the link below at sumali na:
OFFICE HOURS
Monday - Friday
8:30 am - 5:30 pm
Saturday
8:30 am - 12:00 nn
LOAN HOURS
Filing: Monday - Saturday
9:00 am - 12:00 nn
Release: Monday - Friday
3:30 pm - 5:00 pm
Note:
This is the official Business Hours of BBSAMAMUCO.
Please be guided Kamay-ari for holidays and unforeseen circumstances may alter the office hours and loan filing and claim schedule.

Trustworthy Cooperative

Creative in many ways

Social Responsible

Care for others

Trustworthy Cooperative

Creative in many ways

Social Responsible

Care for others

Copyrights © 2025 - 2026 | Birhen ng Bayang San Mateo Multi-Purpose Cooperative - BBSAMAMUCO. All rights reserved.
Facebook
Youtube
TikTok